Ang PESO ay nakiisa sa Selebrasyon ng Solo Parents Week na pinangunahan ng MSWD sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gupit at libreng hair spa na dinaluhan ng mga dating nagsanay sa Hairdressing.
Gusto po naming ipaabot sa ating mga Solo Parents na ang lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Reynante "Jowar" Bautista ay palaging handang umalalay sa Inyo kahit pa ito ay sa pamamagitan ng mga libreng pagsasanay na maaaring makatulong sa pagtataguyod sa inyong buhay kasama ng inyong mga anak. Sa laban at hamon ng buhay, kasangga ninyo kami.
Amin din pong ipinaabot ang lubos na pasasalamat sa mga trainees na nagboluntaryong naglaan ng oras at panahon sa selebrasyong ito. Proud po kami sa Inyo.
Commentaires