PESO Angat, Naghatid ng Livelihood Workshop

Isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO Angat) ang Skills and Livelihood Training in Meat Processing para sa mga kasapi ng Angat Kalusugan nitong Setyembre 24, 2026, sa New Barangay Hall ng Barangay Donacion, Angat, Bulacan.
Sa tulong ng TESDA Accredited Trainer na si Lea Ocampo, natutunan ng mga kalahok ang wastong paggawa ng iba't ibang produktong karne tulad ng tocino, skinless longganisa, nuggets, at Canadian loaf.
Layunin ng inisyatibang ito na mabigyan ng kapaki-pakinabang na kasanayan at alternatibong mapagkakakitaan ang mga mamamayan upang makapagsimula ng sariling micro-business o negosyo mula sa kanilang mga tahanan.
Nagpaabot ng pasasalamat ang PESO Angat sa pamunuan, sa tagapagsanay, at sa lahat ng nakiisa sa programa. Tiniyak din ng tanggapan na patuloy silang maglulunsad ng iba pang mga pagsasanay sa pangkabuhayan para sa pag-asenso ng bawat Angateño.











Comments