top of page
bg tab.png

Libreng TESDA Training sa Bread and Pastry Production NC II, Bukas na sa PESO Angat

7 hours ago
1 min read

Bukas na ang aplikasyon para sa libreng Bread and Pastry Production NC II Training Program sa Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng inisyatibo ni Representative Salvador Aquino Pleyto ng Ika-anim na Distrito ng Bulacan at sa pakikipagtulungan ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista.


Ang 18-araw na intensive training ay naglalayong magbigay ng propesyonal na kasanayan sa pagbe-bake at sertipikasyon mula sa TESDA. Kabilang sa mga benepisyo ng scholarship ang 100% libreng tuition, libreng competency assessment exam, at daily training allowance.


Hinihimok ang mga interesadong aplikante na ipasa ang kanilang mga kumpletong kinakailangang dokumento sa PESO Office na matatagpuan sa New Municipal Building ng Angat hanggang sa Oktubre 12, 2026.


Kabilang sa mga requirements ang PSA Birth Certificate, Form 137 o TOR, 2 pirasong passport-size picture (white background), 4 na 1x1 picture, 1 valid ID, at Marriage Certificate para sa mga may-asawang babae. Bukod dito, kailangan ding magbukas ng Landbank PISO Account (in-branch o sa pamamagitan ng Landbank Mobile Banking App) para sa pagpapasahod ng daily training allowance.


Binigyang-diin ng PESO Angat na strictly limited ang mga slot at tanging ang mga aplikanteng may kumpletong kinakailangang dokumento lamang ang tatanggapin at ipoproseo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page