PESO Angat, Nagdaos ng Year-End Performance Assessment Para sa BTEC Volunteers
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat, Bulacan ang taunang Barangay Training and Employment Coordinators (BTEC) Year-End Performance Assessment (YEPA) ngayong araw, Nobyembre 29, 2025.
Ginanap ang aktibidad sa Casa Mole Private Resort sa Sta. Cruz, Angat, Bulacan.
Ang BTEC YEPA ay isinasagawa upang sukatin ang kabuuang pagganap ng mga boluntaryo sa loob ng isang taon. Layunin din nitong matukoy ang mga lakas at kahinaan sa pagpapatupad ng mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng LGU PESO.
Kasabay ng assessment, nagbigay rin ang tanggapan ng PESO ng kasiyahan at munting regalo sa mga boluntaryo. Kaisa ng Punong Bayan, Igg. Reynante S. Bautista.
Nagbigay rin ng pasasalamat ang PESO sa iba pang indibidwal at grupo na nagbigay ng regalo at maagang pamasko, na anila ay lalong nagpamahala sa pagdiriwang at nagbigay ng suporta sa BTEC volunteers.








Comments