top of page
bg tab.png

PESO Angat, Nagdaos ng Career Development Support Program sa Binagbag National High School

2 days ago
1 min read

Isinagawa ng Public Employment Service Office (PESO Angat) ang Career Development Support Program (CDSP) ngayong Setyembre 16, 2026, sa Binagbag National High School na matatagpuan sa Barangay Binagbag, Angat, Bulacan.


Naging pangunahing kalahok sa aktibidad ang mga mag-aaral mula sa Grade 10 at Grade 12. Layunin ng programa na magkaloob ng wastong gabay at impormasyon sa mga estudyante upang maihanda sila sa pagpili ng kanilang kukunin na kurso, pagsasanay, at sa hinaharap na pagpasok sa mundo ng paggawa.


Sa pamamagitan ng CDSP, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa tulong ng PESO ang pag-aagapay sa lokal na kabataan upang magkaroon sila ng malinaw na direksyon sa kanilang edukasyon at karera.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page