top of page
bg tab.png

PESO Angat, Nag-anunsyo ng mga Bakanteng Trabaho para sa Delivery Riders at Warehouse Staff


Patuloy ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa mga Angateño matapos ilabas ng Public Employment Service Office (PESO) Angat ang pinakabagong listahan ng trabaho sa ilalim ng Transorient Manpower Services Inc.


Sa kasalukuyan, bukas ang kumpanya para sa mga sumusunod na posisyon:

  1. 3-Wheels Delivery Riders: Bukas para sa mga aplikanteng lalaki o babae. Kinakailangang mayroong sarili o hiram na motorsiklo. Ang mga aplikante na mayroon o walang karanasan sa trabaho ay hinihikayat na mag-apply.

  2. Warehouse Staff: Bukas para sa mga kwalipikadong aplikante na nais magtrabaho sa loob ng imbakan o bodega.



Para sa mga nagnanais mag-apply, pinapayuhan ang mga aplikante na ipadala ang kanilang CV o Resume sa opisyal na email address na pesohiringangat@gmail.com. Bukod sa email, kinakailangan ding mag-register sa online link na https://forms.gle/Tf2htySAmLxHrc6A6 

upang maitala ang kanilang aplikasyon.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Angat na mailapit ang mga lehitimong ahensya ng manpower sa mga residente upang makatulong sa paglago ng lokal na ekonomiya at hanapbuhay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page