PESO Angat, Nag-anunsyo ng Job Hiring para sa Branch Secretary ng Motortrade Angat
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read


Patuloy ang Public Employment Service Office (PESO) Angat sa pagbibigay ng oportunidad sa trabaho para sa mga Angateño matapos nitong ianunsyo ang bakanteng posisyon para sa Branch Secretary sa Motortrade Angat.
Ang mapipiling Branch Secretary ay magiging responsable sa pag-aayos ng dokumentasyon ng lahat ng motorcycle applications. Tungkulin din nito na tiyakin ang katumpakan ng impormasyon at pagsunod sa mga documentation guidelines bago ito isumite sa kaukulang departamento.
Bukod sa mga may karanasan na, bukas din ang posisyon para sa mga Fresh Graduates. Ayon sa PESO Angat, ang mga interesadong aplikante ay dapat na business graduate, may mahusay na kakayahan sa pakikipagtalastasan (good communication skills), at customer service-oriented.









Comments