PESO Angat, Magsasagawa ng Recruitment katuwang ang Varn Holdings
- Angat, Bulacan

- Feb 6
- 1 min read

Patuloy ang pagratsada ng Public Employment Service Office (PESO) Angat sa paghahatid ng trabaho sa mga Angateño sa pamamagitan ng muling pagsasagawa ng Local Recruitment Activity (LRA) ngayong darating na ika-13 ng Pebrero, 2026.
Sa pagkakataong ito, makakatuwang ng PESO ang Varn Holdings Development Inc. upang maghanap ng mga kwalipikadong aplikante para sa mga teknikal at industrial na posisyon. Gaganapin ang hiring activity sa Ground Floor ng New Municipal Building, Brgy. San Roque, mula 9:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Malawak ang listahan ng mga bakanteng posisyon na kinabibilangan ng:
Maintenance & Mechanics: Plant Mechanics, Facility Mechanic, Mill Wright, Welder, Electrician, Instrumentation Tech.
Production & Operations: Mill Tender, Machine Operator, Tripper Car Operator, Forklift Operator, Lubeman.
Loading & Quality Control: Fine/Product Bulk Loaders, Tonner Bag Loader, Sampler, at Lab Technician.
Inaatasan ang lahat ng mga interesadong aplikante na mag-register sa opisyal na link (https://forms.gle/1oXAz4vqY1xgFFd79) bago ang nasabing petsa. Pinapaalalahanan din ang mga lalahok na magdala ng kanilang updated resume at sariling itiman na ballpen.
Ayon sa PESO Angat, ang serye ng mga recruitment na ito ay bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na matiyak na ang mga skilled workers ng bayan ay magkaroon ng matatag na mapapasukan.









Comments