PESO Angat, Kinilala si John Gabriel San Pedro Bilang Designated PESO Manager Counterpart
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Mainit na tinanggap ng Public Employment Service Office (PESO Angat) si John Gabriel San Pedro bilang opisyal na Designated PESO Manager Counterpart para sa pagdiriwang ng Boys and Girls Week 2026.
Sa pamamagitan ng programang ito, magkakaroon si San Pedro ng pagkakataong makatrabaho at makatambal ang pamunuan ng PESO Angat upang maunawaan at magampanan ang mga tungkulin ng isang PESO Manager. Kabilang dito ang pagsubaybay sa mga programang pangkabuhayan, pagpapadali ng mga job placement, at pagbibigay ng tulong sa mga mamamayang Angateño na naghahanap ng disenteng trabaho at oportunidad.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng taunang programa ng pamahalaang bayan katuwang ang Youth Development Office upang sanayin ang mga kabataang lider sa aktwal na pamamalakad ng pampublikong serbisyo at ihanda sila sa hinaharap bilang mga responsableng pinuno ng komunidad.









Comments