PESO Angat, Kinilala ng DOLE Bulacan para sa Mahusay na Implementasyon ng mga Programa
- Angat, Bulacan

- 7 days ago
- 1 min read

Isang mahalagang pagkilala ang tinanggap ng Public Employment Service Office (PESO) Angat mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Bulacan Field Office dahil sa dedikasyon nito sa paghahatid ng mga serbisyo at programa para sa mga manggagawang Angateño.
Ang parangal ay iginawad sa pamumuno ni Assistant Regional Director at OIC Alejandro V. Inza-Cruz. Kinilala ng DOLE ang PESO Angat bilang isa sa mga aktibong katuwang sa pagpapatupad ng mga inisyatibang naglalayong magbigay ng trabaho at kabuhayan sa komunidad.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng PESO Angat sa DOLE Bulacan. Ayon sa tanggapan, ang tagumpay na ito ay bunga ng suporta ni Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista. Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na patuloy nilang pagsisikapan na mailapit ang mga programa ng pamahalaan sa mga "Angateyos" upang masiguro ang pag-unlad ng bawat pamilya.
Sa pamamagitan ng pagkilalang ito, muling pinatunayan ng Angat ang kanilang pangako sa tapat at epektibong serbisyo publiko, lalo na sa aspeto ng trabaho at proteksyon ng mga manggagawa.









Comments