PESO Angat, Idinaos ang BTEC 2nd Quarter Meeting 2026
- Angat, Bulacan

- Jul 1
- 1 min read

Matagumpay na idinaos ng Public Employment Service Office (PESO) ng Angat ang ikalawang quarter na pagpupulong ng Barangay Employment Service Coordinator (BTEC) ngayong taon.
Ginanap ang naturang pagtitipon noong Hunyo 30, 2026, sa tanggapan ng PESO na matatagpuan sa Bagong Gusali ng Pamahalaang Bayan.
Layunin ng BTEC 2nd Quarter Meeting 2026 na mas mapag-ibayo pa ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga kinatawan ng bawat barangay ukol sa mga programang pangkabuhayan, employment opportunities, at job placement sa bayan ng Angat.
Sa pamamagitan ng regular na pagpupulong na ito, tinitiyak ng PESO Angat na mabilis at direktang nakakarating sa mga mamamayan sa bawat barangay ang mga opisyal na anunsyo ukol sa trabaho at pagsasanay.









Comments