PDRRMO Bulacan, Binista ang Angat Incident Command Post
- Angat, Bulacan

- 6 days ago
- 1 min read

Upang masiguro ang maayos na daloy ng operasyon at seguridad sa buong lalawigan, nagsagawa ng Incident Command Post (ICP) Visitation ang mga kinatawan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Bulacan sa Bayan ng Angat nitong Linggo.
Mainit na sinalubong ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO Angat), ang mga kinatawan mula sa pamahalaang panlalawigan. Ang pagbisitang ito ay bahagi ng estratehikong pagbabantay ng PDRRMO sa mga bayan at lungsod na inaasahang dagsain ng mga turista at deboto ngayong Semana Santa 2026.
Sa ginanap na maikling diskusyon, tinalakay ng dalawang ahensya ang mga sumusunod:
Gawaing Pangkaligtasan: Pagrerepaso sa mga safety protocols na ipinatutupad sa mga pangunahing kalsada at kailugan ng Angat.
Incident Reporting: Pagsisiguro ng mabilis na ugnayan sa pagitan ng lokal at panlalawigang tanggapan sa oras ng emergency.
Resource Management: Pag-alam sa kahandaan ng mga personnel at kagamitan na naka-deploy sa iba't ibang assistance desks.
Ang pagkakaisa ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Lokal na Pamahalaan ng Angat ay naglalayong makamit ang isang Zero-Casualty at payapang paggunita ng Mahal na Araw para sa lahat ng mga Bulakenyo at bumibisita sa lalawigan.









Comments