top of page
bg tab.png

Patuloy na Pagpapanatili ng Malinis na Kapaligiran, Isinulong sa Brgy. San Roque

Oct 25
1 min read

Muling nagsagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ang pamunuan ng Barangay San Roque nitong Oktubre 24, 2026.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente sa pag-iikot sa iba't ibang purok upang linisin ang mga drainage system, pampublikong daanan, at mga nakatambak na basura sa komunidad.


Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na ang patuloy na pagsasagawa ng lingguhang linis-barangay ay mahalaga para sa pagpapanatili ng kalinisan at pag-iwas sa mga sakit tulad ng dengue na nagmumula sa mga hindi naisasaayos na paligid.


Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay San Roque sa lahat ng mga residenteng nakiisa at naglaan ng oras para sa tagumpay ng aktibidad na naglalayong panatilihing ligtas at malinis ang buong pamayanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page