Patuloy na Pagpapanatili ng Malinis na Kapaligiran, Isinulong sa Brgy. San Roque

Muling nagkaisa ang pamunuan ng Barangay San Roque at mga residente sa pagsasagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive nitong Oktubre 17, 2026.
Nagtulong-tulong ang mga opisyal at lokal na boluntaryo sa pag-iikot sa mga purok upang linisin ang mga kanal, tabing-kalsada, at iba pang pampublikong pasilidad upang tiyakin ang daloy ng tubig at maiwasan ang akumulasyon ng basura.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang tuloy-tuloy na lingguhang paglilinis ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang kalusugan ng mamamayan at mapanatiling malayo ang komunidad sa mga peste at sakit.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Barangay San Roque sa lahat ng nakiisa at nagpakita ng patuloy na kooperasyon sa pagtataguyod ng isang malinis at maayos na pamayanan.










Comments