PATULOY NA PAG-ANGAT, HANDA SA TAG ULAN!
- Angat, Bulacan
- May 21
- 1 min read

Nagsimula na ang ilang paghahanda sa mga barangay para sa kahandaan sa paparating na panahon nang pag ulan.
Ayon sa direktiba ni Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, Punong Bayan ng Angat at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Chairman sa departamento ng MDRRMO na maglaan ng pondo para sa mga pagawain na makatutulong sa pag iwas sa baha.
Kasunod nito ay agad na tumugon ang MDRRMO Angat sa direktiba ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista at pinasimulan ang mga proyekto nang pagapapagawa sa mga drainage canal sa mga lugar kung saan mayroong posibilidad na magdulot ng panganib sa mga residente.
Isa rito ay ang Barangay Taboc na pinagawan ng drainage canal sa bahagi ng Inductivo Street na nakararanas ng pag-ipon ng tubig tuwing may malakas at matagal na pag ulan. Layon rin nito na magkaroon ng maayos na daluyan ng tubig-ulan at hindi makapag bigay pinsala sa mga ari-arian sa Barangay Taboc.
Ang ama ng Bayan ng Angat ay laging nakatuon sa kaligtasan ng bawat mamamayanan! Sa alagang Asenso at Reporma, ramdam mo na ligtas ka.
Kung kayo ay may Emergency, tumawag lamang sa Angat Rescue Hotline : 0923-926-3393 / 0917-710-5087
コメント