Patuloy na Kalinisan, Isinulong sa Weekly Clean-Up Drive ng Barangay San Roque

Muling nagkaisa ang mga opisyal at residente ng Barangay San Roque sa ginanap na paglilinis nitong Agosto 15, 2026.
Tinutukan sa nasabing aktibidad ang pagtatapon ng mga nakaimbak na tubig laban sa dengue, paglilinis ng mga kanal upang maiwasan ang pagbaha, at pagwawalis sa mga pangunahing kalsada.
Paalala mula sa Sangguniang Barangay, na patuloy na maglinis ng mga sariling bakuran para sa kalusugan at kaligtasan ng buong komunidad.










Comments