Patient Transport Vehicle, Ipinagkaloob sa Bayan ng Angat
- Angat, Bulacan

- Jul 10
- 1 min read

Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matagumpay na naipagkaloob ang Patient Transport Vehicle (PTV) sa Bayan ng Angat.

Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na mapabuti ang serbisyong medikal sa mga lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga modernong sasakyang pangkalusugan. Isa ang Bayan ng Angat sa mga nabigyan ng naturang sasakyan, na inaasahang makatutulong sa mabilis na paghatid ng serbisyong medikal, partikular sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang transportasyon patungo sa mga pagamutan.
Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang bayan ng Angat sa suportang ibinibigay ng pambansang pamahalaan para sa ikabubuti ng kalusugan ng mga mamamayan.









Comments