top of page
bg tab.png

'Paskong Angat 2026': Christmas Tree Lighting Ceremony, Idaraos sa New Angat Municipal Hall

1 day ago
1 min read

Muling magliliwanag ang diwa ng Kapaskuhan sa Bayan ng Angat sa pagdaraos ng pinakaaabangang Christmas Tree Lighting Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Paskong Angat 2026.”


Nakatakdang ganapin ang nasabing seremonya sa Huwebes, Nobyembre 26, 2026, ganap na alas-6:00 ng gabi sa New Angat Municipal Hall.


Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mga Angatenyo na makiisa, dumalo, at saksihan ang makulay na pagpapailaw upang sama-samang salubungin ang panahon ng Kapaskuhan sa isang gabing puno ng liwanag, saya, at pagkakaisa.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page