Angatenyong si Clyde Joshua Zafra, Ginawaran ng MICHELIN Service Award; Kinilala ng Sangguniang Bayan

Nagbigay ng malaking karangalan at pagmamalaki sa Bayan ng Angat si Clyde Joshua Molina Zafra, isang tubo ng Barangay Marungko, matapos siyang gawaran ng prestihiyosong MICHELIN Service Award sa ilalim ng Michelin Guide Philippines 2026–2027 Special Awards.
Bilang Restaurant Manager ng Tito Boy by Chef Bong Sagmit, naging mahalagang bahagi rin si Zafra ng tagumpay ng naturang kainan na kinilala ng Michelin Guide at ginawaran ng Bib Gourmand Award.
Bilang pagpupugay sa kanyang natatanging husay at kontribusyon sa larangan ng hospitality at restaurant industry, opisyal na ipinagkaloob sa kanya ng Sangguniang Bayan ng Angat ang isang resolusyon ng pagkilala.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pagbati ang lokal na pamahalaan kay Zafra, kasabay ng pag-asang magsisilbi itong inspirasyon sa mga kapwa Angatenyo na patuloy na mangarap, magsikap, at magtagumpay sa kani-kanilang napiling larangan.










Comments