top of page
bg tab.png

816 na Senior Citizens sa Angat, Nakatanggap ng 4th Quarter National Social Pension

6 hours ago
1 min read

Matagumpay na naipamahagi ang 4th Quarter National Social Pension sa kabuuang 816 na senior citizens ng Bayan ng Angat, bilang bahagi ng patuloy na programa ng Pambansang Pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kapakanan at pangangailangan ng mga nakatatanda.


Pinangasiwaan ang nasabing pamamahagi ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni MSWDO Head Menchie Bollas, katuwang ang mga kawani ng Municipal Treasurer’s Office at mga Day Care Workers ng bayan.


Ang matagumpay na aktibidad na ito ay patunay ng patuloy at maayos na pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaan upang matiyak na maagap na naihahatid sa mga senior citizens ang tulong pinansyal at benepisyong nararapat para sa kanila.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page