Local Health Board ng Angat, Nagpulong para sa Higit pang Pagpapaunlad ng Serbisyong Pangkalusugan

Matagumpay na isinagawa ang buwanang pagpupulong ng Local Health Board (LHB) ng Bayan ng Angat, sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Jimmy Cruz, upang talakayin ang mahahalagang usapin at programa para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan sa bayan.
Kabilang sa mga pangunahing naging agenda ng pagpupulong ang mga sumusunod:
Program Implementation Review ng mga kasalukuyang proyektong pangkalusugan;
Paghahanda para sa HIV/AIDS Symposium;
Pag-update sa Annual Operational Plan (AOP) 2028; at
Renewal of Accreditation ng Primary Care Facility ng bayan.
Personal ding dinaluhan ni Punong Bayan Igg. Reynante “Jowar” S. Bautista ang nasabing pagpupulong, kasama ang iba pang mga miyembro ng Local Health Board.
Sinasalamin ng pagtitipong ito ang matibay na pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaang bayan at sektor ng kalusugan upang matiyak na mas maayos, de-kalidad, at abot-kamay (accessible) ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayang Angatenyo.











Comments