top of page
bg tab.png

Pasasalamat kay G. Felix Valencia sa Pagsasaayos ng Bypass Road sa Encanto


ree

Nagpaabot ng pasasalamat si Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista kay G. Felix Valencia para sa kanyang inisyatiba at malasakit na tumulong sa pansamantalang pagsasaayos ng sira-sirang bahagi ng bypass road sa Encanto.


Ayon kay Mayor Jowar, malaking kaginhawahan ang naidulot ng ginawa ni G. Valencia sa mga dumaraan sa nasabing lugar. Kinilala niya ang kahalagahan ng pagkukusa para sa kapakanan ng nakararami.


Kaugnay nito, ipinabatid din ni Mayor Jowar sa publiko na nalalapit na ang opisyal at kabuuang pagsasaayos ng kalsada.


Humingi siya ng paumanhin sa matagal na paghihintay, at ipinaliwanag na maraming proseso at rekisitos ang kailangang pagdaanan bago tuluyang maisakatuparan ang proyekto.


Nagpasalamat ang Punong Bayan sa pang-unawa at patuloy na suporta ng publiko, at nanawagan na magkasama-sama tungo sa mas ligtas at maayos na daan para sa lahat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page