Parangal sa mga Blood Galloners, Idinaos sa Hiyas ng Bulakan Convention Center
- Angat, Bulacan

- Aug 20
- 1 min read

Ginanap noong Agosto 20, 2025 sa Hiyas ng Bulakan Convention Center, Lungsod ng Malolos ang Provincial Blood Galloner’s Awarding Ceremony. Layunin ng aktibidad na kilalanin at parangalan ang mga indibidwal na walang sawang nagkakaloob ng kanilang dugo upang mailigtas ang buhay ng iba.
Bilang pasasalamat sa kanilang kabayanihan, binigyang-parangal ang mga tinaguriang “Blood Heroes” na nagsilbing inspirasyon sa mas marami pang Bulakenyo na makiisa sa adbokasiya ng pag-donate ng dugo.
Muli, isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng ating mga bayani ng dugo.









Comments