top of page
bg tab.png

Mga Programang Pangkalusugan sa Angat, lalong Pinalakas sa Isinagawang Joint Health Meeting

1 day ago
1 min read

Pinangunahan ni Municipal Health Officer Dr. Jimmy H. Cruz ang ginanap na Joint Meeting ng Local Health Board (LHB), Local Blood Council, Local AIDS Council, at Local Health Planning Team ng Pamahalaang Bayan ng Angat.


Sa naturang pagtitipon, tinalakay ng mga kasapi ang mga accomplishment report, mga pinakabagong ulat, at ang mga susunod na hakbang sa mga programang pangkalusugan upang mas maipaabot ang de-kalidad na serbisyo medikal sa mga Angateño.



Nakiisa sa pagpupulong si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista kasama si Konsehal Evelyn J. Cruz at iba pang mga miyembro ng Local Health Board upang magbigay ng buong suporta sa mga inisyatiba ng sektor ng kalusugan.


Patuloy ang pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa iba't ibang sektor upang matiyak na mas maging mabilis, maayos, at komprehensibo ang mga serbisyong pangkalusugan sa buong bayan.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page