Buntis Party at Usapang Buntis sa Family Planning, Idinaos sa Barangay San Roque

Isinagawa ng Rural Health Unit (RHU Angat) ang Buntis Party at Usapang Buntis on Family Planning ngayong Setyembre 21, 2026, sa San Roque Barangay Hall, Barangay San Roque, Angat, Bulacan.
Dala ang temang "Buntis ugnayan, isang kaligayahan at kahandaan ating pagplanuhan," layunin ng aktibidad na magbigay ng sapat na kaalaman sa mga nagdadalang-tao ukol sa pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol, pati na rin ang kahalagahan ng wastong pagpaplano ng pamilya (family planning).

Naging pagkakataon din ang naturang pagtitipon upang magbahagi ng mga payong medikal ang mga kinatawan ng RHU Angat, magkaroon ng talakayan ukol sa ligtas na pagdadalang-tao, at maghatid ng dagdag na saya at suporta sa mga ina sa komunidad.
Patuloy ang RHU Angat at ang lokal na pamahalaan sa paglulunsad ng mga programang pangkalusugan upang tiyakin ang kaligtasan at mabuting kalagayan ng bawat pamilyang Angateño.











Comments