top of page
bg tab.png

PARA SA MALINIS NA MARUNGKO: LINGGUHANG PAGLILINIS, PATULOY NA ISINASAGAWA


Naging matagumpay ang isinagawang Weekly Clean-Up Drive sa Barangay Marungko ngayong Sabado, Hulyo 4, 2026, bilang bahagi ng patuloy na layunin ng barangay na mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang buong pamayanan.


Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng Sangguniang Barangay, mga kawani, at mga residenteng nakiisa upang linisin ang mga pangunahing kalsada, pampublikong lugar, at mga daluyan ng tubig sa paligid ng barangay.



Ayon sa pamunuan ng Marungko, ang lingguhang paglilinis na ito ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang pagbara ng mga kanal at mabawasan ang banta ng mga sakit na nakukuha sa maruming kapaligiran, tulad ng dengue.


Muli namang nagpaalala ang barangay sa lahat ng mamamayan na patuloy na suportahan ang lingguhang programang ito at panatilihin ang disiplina sa tamang pagtatapon ng basura sa kani-kanilang mga tahanan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page