PARA SA KABATAAN!
- Angat, Bulacan
- Jun 17
- 1 min read

Sa pangunguna ng JOWABLE Youth, Angat LGBT, at Angat Local Youth Development Council (LYDC), sama-samang isinagawa ang Brigada Eskwela bilang paghahanda para sa taong panuruan 2025–2026!
Hindi lamang paglilinis at pagsasaayos ng silid-aralan ang naging layunin kundi nagsagawa rin ng libreng gupit at isang SOGIESC Awareness Seminar upang itaguyod ang karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at pagiging inklusibo ng bawat kabataang Angatenyo.
Ang pagkakaisang ito ay malinaw na patunay:
Ang kabataan ay hindi lang kinabukasan, sila ang katuwang sa kasalukuyan. Tunay na kapag nagsama-sama, lahat ay may lugar, may boses, at may halaga.
Comments