Panunumpa sa Tungkulin ng Bagong Pamunuan
- Angat, Bulacan
- Jul 3
- 1 min read
yong Hulyo 2025 ay sinimulan na po nating imarka ang ikalawang yugto ng pagtunton sa landas ng Asenso at Reporma. Asahan po natin ang mas mabungang paglilingkod—mas makabuluhang mga programa at serbisyo. Kasabay nito ay ang aking taos-pusong paghikayat sa mga Angatenyo na makiisa at makisangkot sa pagpapahusay pa ng aming pamamahala sa bayan.
Bukas po ang pamahalaang bayan sa kritisismo o pagpuna sa pamamagitan ng maayos at malusog na ugnayan. Ang patutsadahan sa social media/facebook ay hindi po nakakatulong sa ating bayan, sa halip ay nagtutulak pa sa pagkakahati-hati ng mga mamamayan. Bagamat kinikilala po natin ang karapatan ng bawat isa sa malayang pamamahayag, ipapaalala din po namin na may kaakibat na responsibilidad at pananagutan ang ating karapatan.
Muli, asahan po ninyo na ipagpapatuloy ng bagong pamunuan ang pagsisilbi nang may pananagutan, integridad, malasakit, at direksyong malinaw para sa patuloy na pagkakamit ng pagbabago at progreso.
コメント