top of page
bg tab.png

Pansamantalang Pagtambak sa mga Lubak sa Kalsada, Isinagawa ng Barangay Niugan para sa Kaligtasan ng mga Motorista

Aug 19
1 min read

Nagsagawa ng agarang hakbang ang Sangguniang Barangay ng Niugan upang pansamantalang tambakan ang mga malalalim na lubak sa ilang bahagi ng kalsada na madalas maging sanhi ng aksidente. Ang inisyatibong ito ay ginawa upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumadaang motorista habang hinihintay ang pormal na pagkukumpuni sa lugar.


Nilinaw ng pamunuan na ang naturang highway ay hindi sakop ng responsibilidad ng barangay dahil ito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Public Works and Highways o DPWH. Gayunpaman, minabuti ng Sangguniang Barangay na gumawa ng sariling paraan bilang pansamantalang solusyon para sa kapakanan ng kanilang mga kabarangay.


Kasabay nito, mahigpit na nakikiusap ang mga opisyal sa lahat ng mga nagmamaneho na mag-ingat, panatilihin ang mababang bilis pagdating sa mga apektadong bahagi ng kalsada, at habaan ang pasensya hanggang sa tuluyang maayos ng ahensya ang highway.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page