top of page
bg tab.png

Paninindigan sa Tama: Ang Sukatan ng Kagitingan ayon kay Mayor Jowar


Isang malalim at makatotohanang pagkilala sa modernong kabayanihan ang ibinahagi ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista ngayong Araw ng Kagitingan, ika-9 ng Abril.


Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Jowar na ang diwa ng kagitingan ay hindi lamang nakatali sa mga pahina ng kasaysayan, kundi buhay na buhay sa bawat mamamayang lumalaban sa araw-araw na hamon ng ekonomiya at lipunan. Kinilala ng Punong Bayan ang sakripisyo ng mga tsuper na pumapasada sa gitna ng mataas na presyo ng langis, mga manggagawang kumakayod para sa pamilya, at mga magulang na itinataguyod ang anak sa kabila ng kasalatan.


Dagdag pa niya, ang tunay na kagitingan para sa isang lingkod-bayan ay nasusukat sa paninindigan sa tama, tapat na paglilingkod, at pag-uuna sa kapakanan ng mamamayan bago ang pansariling interes. Hinimok niya ang lahat na huwag lamang alalahanin ang mga bayani ng nakaraan, kundi isabuhay ang kanilang tapang sa bawat desisyon at pagkilos sa kasalukuyan upang sama-samang maigpawan ang anumang krisis.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page