PANIMULANG KAPITAL PARA SA PANGMATAGALANG KABUHAYAN
- Angat, Bulacan
- Jul 7
- 1 min read

Isang malaking hakbang tungo sa mas maunlad na kinabukasan ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa 18 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ating bayan.
Ngayong araw ay pormal na ipinagkaloob sa LUNTIAN SLPA ang kabuuang halagang ₱360,000 mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD. Ang pondong ito ay magsisilbing panimulang kapital para sa proyektong vegetable farming and crops production, na naglalayong makapaghatid ng pangmatagalang kabuhayan at mas matatag na pagkakakitaan para sa bawat kasapi.
Layon ng proyektong ito na matulungan ang mga pamilyang kabilang sa 4Ps na maging mas produktibo, self-sufficient, at empowered sa pamamagitan ng pagsasanay sa larangan ng agrikultura at pagbubukas ng mas maraming oportunidad. Bukod sa pagbibigay ng dagdag na kita, itinataguyod din nito ang food security at ang paggamit ng sustainable farming practices sa komunidad.
Comments