PANIBAGONG PAGKAKATAON PARA SA ANGAT TODA!
- Angat, Bulacan
- Jul 5
- 1 min read

Katuwang ang Department of Labor and Employment Regional Office 3 (DOLE RO3), pormal na ipinagkaloob ang Motorcycle Spare Parts & Accessories Retailing Package para sa labimpitong (17) Samahan ng TODA sa bayan ng Angat. Binubuo ito ng iba’t ibang pyesa na pangkaraniwang gamit ng mga tricycle drivers at vulcanizing set.
Layunin ng proyektong ito ay na bigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang ating mga tricycle drivers na miyembro ng TODA, sa pamamagitan ng pagsisimula ng sariling negosyo sa larangan ng motorcycle spare parts at accessories retailing. Samantala, hangad din ng bawat samahan na makatuwang sa kanilang mga kasapi na kinakapos sa pagbili ng mga kinakailangang spare parts para sa kanilang tricycle na panghanapbuhay sa pamamagitan ng pagpapautang ng mga pyesang may kabigatan sa bulsa ng masang tsuper.
Maraming salamat sa DOLE-RO3 na pinangungunahan ni Asst. Regional Director Alejandro Inza Cruz sa walang sawang pagbibigay ng tiwala sa Pamahalaang Bayan ng Angat at pagsuporta sa mga proyektong pangkabuhayan na aming inilulunsad. Nawa’y magpatuloy po ang ating malusog at makabuluhang pagtutulungan para sa mga proyektong tunay na makakatulong sa iba’t ibang bulnerableng sektor ng ating lipunan.
Comentários