Ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ay lubos na nagpapasalamat sa ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanyang ipinagkaloob na tulong (Socio-Civic Projects) para sa ating mga Barangay Captain, Secretary, Treasurer, Barangay Kagawad at SK Chairman ng ating bayan.
Ang pagkakaloob nito ay isinagawa sa ating Municipal Conference Hall at dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Vice Mayor Arvin L. Agustin, Kon. Blem Cruz, Kon. William Vergel De Dios. Kon. Andrew Tigas, ang mga kawani mula sa ating Municipal Treasurer Office.
Comments