Pangatlong Site Validation Para sa Itatayong Brgy Health Clinic at Covered Court/ Evacuation Center
- Angat, Bulacan
- Jan 30, 2023
- 1 min read

Ngayong araw isinagawa ang pangatlong Site Validation para naman sa itatayong Barangay Health Clinic at Covered Court/Evacuation Center sa Barangay Encanto.

Ang nasabing proyekto ay naglalayong ilapit ang serbisyo medikal sa ating mga kababayang malayo sa ating Rural Health Unit. Malaki ang magiging pakinabang nito sa bawat mamamayang upang agarang matugunan ang pangangailangang medikal.
Comments