top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Pamunuan ng Bayan, Kaisa sa Pagdiriwang ng National Children's Month 2024


Nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at Konsehal William Vergel De Dios sa makabuluhang pagdiriwang ng National Children’s Month 2024 na pinangunahan ni MSWDO Menchie Bollas. Sa okasyong ito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bata na makapaglaro at maghatid ng kasiyahan para sa mga daycare students ng ating bayan.


Ang pagdiriwang na ito ay nagsusulong ng karapatan ng bawat bata para sa isang magandang kinabukasan at nagpapakita ng suporta sa ating mga kabataan. Muli nating ipinagdiriwang ang National Children’s Month ngayong Nobyembre na may temang: “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!”

Isang pagbati para sa ligtas at masaganang kinabukasan ng bawat bata!

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Rizal Day

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page