top of page
bg tab.png

Pamunuan ng Barangay Sta. Lucia, Nakiisa sa Angat Labor Day Run 2026


Personal na nakiisa at nagpakita ng suporta sina ABC President Kapitan Alex Tigas at Secretary Herbert Marcelo ng Barangay Sta. Lucia sa ginanap na Angat Labor Day Run 2026.


Ang naturang aktibidad ay isinagawa bilang pagpupugay sa sipag at dedikasyon ng mga manggagawang Pilipino, partikular na ang mga manggagawa sa bayan ng Angat, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Bukod sa pagkilala sa sektor ng paggawa, layunin din ng fun run na isulong ang kalusugan at aktibong pamumuhay para sa mga mamamayan.


Ang paglahok nina Kap. Tigas at Sec. Marcelo ay patunay ng aktibong pagsuporta ng pamunuan ng Barangay Sta. Lucia sa mga programang naglalayong mapagkaisa ang buong bayan sa pamamagitan ng palakasan at pagkakaisa.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page