Pamimigay ng Bitamina at Gamot sa mga Detainee, Isinagawa ng Angat MPS
- Angat, Bulacan

- Jul 24
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga layunin sa ilalim ng PNP Patrol Plan 2030, isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang pamimigay ng mga bitamina at gamot para sa mga Person Under Police Custody (PUPC) ngayong Hulyo 24, 2026, humigit-kumulang ika-9:00 ng umaga.
Pinangasiwaan ang naturang gawain ng Duty Custodial Officer na si Patrolman Ranjit B. Gelantaga-an sa temporary Custodial Facility ng Angat MPS na matatagpuan sa Barangay San Roque, sa ilalim ng pangangasiwa ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang inisyatibong ito ay nakatutok sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan at kapakanan ng mga nakadetene habang sila ay nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya.
Binigyang-diin ng Angat MPS na ang mga programang pangkagalingan na tulad nito ay patuloy na isasagawa upang masiguro ang ligtas, malinis, at maayos na pamamahala sa kanilang custodial facility alinsunod sa mga adhikain ng PNP Patrol Plan 2030.









Comments