top of page
bg tab.png

Pamamahagi ng Relief Goods sa mga Naapektuhan ng Bagyong Karding



Pagkatapos ng nakaraang bagyo ay nagbigay ng agarang tulong ang Pamahalaang Bayan ng Angat para sa isandaan at limampung (150) pamilya na mula sa Barangay Banaban II na isa sa mga lugar na higit na naapektuhan ng Bagyong Karding sa ating munisipalidad.


Ang pamamahagi ng relief goods ay pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Gng. Menchie Bollas (MSWDO), G. Carlos R. Rivera (MDRRMO), Angat BFP, Angat PNP, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Sa ating pagtutulungan, tayo ay unti-unting makakabangon sa kinakaharap na pagsubok ng ating mga kababayan. Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay patuloy na aagapay, tutulong at kikilos para maihandog ang serbisyong nararapat sa bawat mamamayang Angateno.


2 views0 comments

Recent Posts

See All
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page