top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Pamahalaang Bayan ng Angat sumailalim sa 2024 Seal of Good Local Governance Assessment

Muling sumailalim ang ating Pamahalaang Bayan sa pagtatasa para sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) Assessment Regional Validation. Ang SGLG ay isang taunang pagtatasa na isinasagawa sa mga Local Government Units (LGUs) upang magbigay ng pagkilala sa mga LGU na nagpapakita ng huwarang pagganap sa lahat ng larangan ng pamamahala.


Sinusuri ng SGLG ang isang LGU sa sampung antas ng pamamahala, kabilang ang:

1. Financial Administration and Sustainability

2. Disaster Preparedness

3. Social Protection and Sensitivity

4. Health Compliance and Responsiveness

5. Sustainable Education

6. Business Friendliness and Competitiveness

7. Safety, Peace, and Order

8. Environmental Management

9. Tourism, Heritage Development, Culture, and Arts

10. Youth Development


Pinangunahan ang programa nina Myrvi Apostol-Fabia CESO V, Provincial Director; LGOO VII Judith B. Romero, Cluster 2 Team Leader; LGOO VI Rosalyn B. Jumaquio; LGOO III Eunice Mallari; at Pastora Luningning Dela Cruz. Sila ang nagsagawa ng pagsusuri sa mga inihandang dokumento, na sinundan ng table and on-site validation, at nagtapos sa pamamagitan ng isang exit conference.


Ang pagsusuri na ito ay mahalaga upang matukoy ang kalagayan ng pamamahala ng ating bayan at upang magbigay ng gabay sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo para sa mga mamamayan. Ipinapakita nito ang dedikasyon ng ating lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng mataas na antas ng pamamahala at serbisyong publiko.

2 views0 comments

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page