Pamahalaang Bayan ng Angat, Sinalubong ang 2026 sa Pamamagitan ng Flag Raising at Banal na Misa
- Angat, Bulacan

- Jan 5
- 1 min read


Pormal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang unang linggo ng paglilingkod para sa taong 2026 sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Raising Ceremony at Banal na Misa.
Ang pagtataas ng watawat ay nagsilbing simbolo ng pagkakaisa at disiplina ng mga lingkod-bayan, kapulisan, at mga kawani ng munisipyo. Sa ilalim ng temang panibagong sigla, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan bilang iisang pamayanan na may iisang adhikaing iangat ang antas ng serbisyo sa bayan.
Kasunod nito, isang Banal na Misa ang pinangunahan ni Rev. Fr. Lex Cabais. Ang nasabing misa ay alay ng pasasalamat para sa mga biyaya ng nakalipas na taon at paghingi ng banal na patnubay para sa taong 2026. Hangad ng aktibidad na ito na maging tapat, makabuluhan, at nakasentro sa kapakanan ng bawat Angateño ang bawat hakbang at proyektong isasagawa ng lokal na pamahalaan sa buong taon.









Comments