Pamahalaang Bayan ng Angat, Pinagtibay ang mga Panukalang Badyet para sa Taong 2027

Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang 2027 Budget Finalization sa New Municipal Conference Room upang suriin at pagtibayin ang mga panukalang badyet ng iba't ibang tanggapan para sa susunod na taon.
Layunin ng aktibidad na tiyakin ang maayos at angkop na pagpaplano ng mga programa, proyekto, at serbisyong pampubliko na ipatutupad para sa taong 2027 upang makarating ang tamang tulong at serbisyo sa mga mamamayan.
Dinaluhan ang mahalagang pagtitipon nina Punong Bayan Igg Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin, at mga Konsehal na sina William Vergel De Dios, John Patrick D.C. Solis, at Luis J. Santiago, kasama ang mga pinuno ng iba't ibang departamento ng LGU Angat.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagsusuring ito ay bahagi ng kanilang patuloy na paghahanda upang masigurong ang pondo ng bayan para sa 2027 ay magagamit nang tapat, maayos, at para sa kabutihan ng buong komunidad ng Angat.











Comments