Pamahalaang Bayan ng Angat, Nanawagan ng Maayos at Maka-Diyos na Paggunita ng Undas
- Angat, Bulacan

- Nov 1
- 1 min read

ANGAT, Bulacan — Paalala ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa paggunita ng Undas ngayong taon na gawin ito nang may disiplina, respeto, at malasakit sa kapwa.
Ayon sa mensahe ng lokal na pamahalaan, ang Undas ay paalala ng pag-ibig at pananampalatayang hindi nagwawakas—isang pagkakataon upang gunitain ang mga mahal sa buhay na pumanaw sa pamamagitan ng pananalangin at tahimik na pag-alay ng pagmamahal.
Hinimok din ang publiko na magsagawa ng paggunita nang may kaayusan, katahimikan, at taos-pusong pagdarasal para sa kapayapaan ng mga kaluluwa ng mga yumao, bilang pagpapakita ng paggalang at patuloy na paggunita sa kanilang alaala.









Comments