Pamahalaang Bayan ng Angat, Nakiisa sa Paggunita ng Ninoy Aquino Day
- Angat, Bulacan

- 10 hours ago
- 1 min read

Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pambansang paggunita ng Ninoy Aquino Day ngayong araw, upang magbigay-pugay sa buhay, tapang, at sakripisyo ng dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. para sa demokrasya ng bansa.
Sa isang opisyal na pahayag, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pag-alala sa mga bayaning nag-iwan ng malalim na marka sa kasaysayan ng Pilipinas.
Inihayag ng pamahalaan ang mga pangunahing aral na dapat ipagpatuloy ng bawat Pilipino, ang pagpapahalaga sa mga karapatan at kalayaang tinatamasa ng kasalukuyang henerasyon. Ang pagtutulungan ng bawat mamamayan para sa ikauunlad at ikagaganda ng lipunan at ang patuloy na pagtupad sa tungkulin nang may katapatan at paninindigan para sa bayan.
Nagtapos ang pahayag sa pag-asang ang naging sakripisyo at paninindigan ni Ninoy Aquino ay magsilbing patuloy na inspirasyon sa mga Angateño at sa buong sambayanang Pilipino upang pangalagaan ang demokrasya ng bansa.









Comments