top of page
bg tab.png

Pamahalaang Bayan ng Angat, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Araw ng mga Ama


Isang taos-pusong pagkilala at pagpupugay ang ipinaabot ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng mga ama, tatay, papa, at mga tumatayong father figures sa buong munisipalidad sa pagdiriwang ng Father’s Day nitong nakaraang Linggo, Hunyo 21, 2026.


Ang pagdiriwang na ito ay nakatuon sa pagkilala sa mga sakripisyo ng mga tinaguriang "haligi ng tahanan" na walang pagod na nagtatrabaho upang maitaguyod at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga pamilyang Angateño.


Sa opisyal na mensahe ng Pamahalaang Bayan, binigyang-diin ang natatanging katangian ng pagiging isang ama—ang lakas, gabay, at pag-asa na kanilang ibinibigay sa bawat tahanan.


Sinaluduhan ng pamahalaan ang mga sakripisyo ng mga ama na madalas ay hindi idinadaing o ipinapakita, ngunit ramdam naman ng pamilya araw-araw sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, ang patuloy na pagbabanat ng buto upang masiguro na may pagkain sa hapag-kainan at may panustos sa pag-aaral ng mga anak at pagiging proteksyon at gabay sa tamang landas para sa buong kabahayan.


Hindi rin nalimutang kilalanin ng administrasyon ang mga lolo, tito, solong magulang (single fathers), at mga tagapangalaga na buong-pusong umako sa responsibilidad bilang haligi ng pamilya.


Naniniwala ang LGU Angat na ang pagkakaroon ng mga matatag at responsableng ama sa bawat tahanan ang siyang pundasyon ng isang disiplinado, mapayapa, at progresibong komunidad sa buong bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page