PAMAHALAANG BAYAN NG ANGAT, NAGSAGAWA NG ORIENTATION PARA SA DRUG-FREE WORKPLACE POLICY
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Isang oryentasyon ukol sa Drug-Free Workplace Policy ang matagumpay na isinagawa sa Pamahalaang Bayan ng Angat para sa mga kawani ng pamahalaan, mga halal na opisyal, at mga Punong Barangay. Layunin ng naturang gawain na mapalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga pampublikong lingkod hinggil sa mga umiiral na batas at programa laban sa ilegal na droga sa panggobyernong sektor.
Pinangunahan ang pagsasanay ng mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bulacan Provincial Office na sina PDEA RO III Glenn Guillermo, PO IAV Liwanag Sandaan, at PDEA PO Bulacan Ronamel Reyes. Katuwang din sa nasabing inisyatibo sina Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) VI Cecil Caburnay at Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Focal Person Dra. Miel Kathleen Franco.

Centrado ang talakayan sa mga sumusunod na mahahalagang paksa:
Salient Provisions ng Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002)
Drug Identification o pagkilala sa mga uri ng ilegal na droga
Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 13, Series of 2018 kaugnay ng Drug-Free Workplace Policy
Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa pagpapatupad ng mga Lokal na Pamahalaan
Community-Based Drug Rehabilitation Program para sa interbensyon at rehabilitasyon
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, binigyang-diin ng pamahalaang bayan na ang pagkakaroon ng sapat at tamang kaalaman sa mga pambansang polisiya ay mahalagang hakbang upang mapanatiling ligtas, responsable, at maayos ang paghahatid ng serbisyo publiko sa mamamayan ng Angat.









Comments