top of page
bg tab.png

Pamahalaang Bayan ng Angat, Nagpulong para sa Implementasyon ng Speed Limit sa mga Truck


Bilang tugon sa mga hinaing at ulat mula sa mamamayan, nagsagawa ng isang mahalagang pagpupulong ang Lokal na Pamahalaan ng Angat nitong ika-12 ng Pebrero upang talakayin ang pagpapatupad ng speed limit para sa mga truck na dumadaan sa mga pangunahing kalsada ng bayan.


Sa ilalim ng direktiba ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, naging sentro ng usapan ang pagbuo ng resolusyon upang mapigilan ang mabilis na pagpapatakbo ng mga malalaking sasakyan na nagdudulot ng panganib sa mga residente at iba pang motorista. Dumalo sa nasabing pagpupulong si G. Carlos R. Rivera Jr., MDRRM Officer, upang magbahagi ng teknikal na aspeto sa kaligtasan at sakuna.


Nakilahok din sa talakayan sina Gia Vergel De Dios (OIC Municipal Administrator), Hon. William Vergel de Dios, Thelma Sincioco (SB Secretary), PCpt. Jayson Viola (Angat Chief PNP), at Kyle Agay (MLGOO), kasama ang mga Punong Barangay ng bayan. Inilahad sa pulong ang mga sistema at probisyon na magsisilbing gabay sa istriktong pagpapatupad ng nasabing panukala.


Ayon sa MDRRMO, ang hakbang na ito ay bahagi ng adhikain ni Mayor Jowar na gawing ligtas at maayos ang bawat kalsada sa Angat, habang tinitiyak na ang mga batas-trapiko ay nasusunod para sa kapakanan ng lahat.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page