Pamahalaang Bayan ng Angat, nagpahatid ng pagbati sa kaarawan ni Ka Eduardo V. Manalo
- Angat, Bulacan

- Oct 31
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang taos-pusong pagbati kay Ka Eduardo V. Manalo, Punong Tagapamahala ng Iglesia ni Cristo (INC), sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Sa pahayag ng lokal na pamahalaan, binigyang-pugay nito ang pamumuno ni Ka Eduardo na hinahangaan dahil sa malasakit, disiplina, at pagkakaisa na patuloy na nagbibigay-inspirasyon hindi lamang sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo, kundi maging sa maraming mamamayang Pilipino.
“Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng lakas, karunungan, at mabuting kalusugan upang maipagpatuloy ninyo ang inyong tungkulin at mga adhikain para sa ikabubuti ng nakararami,” saad ng mensahe ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Sa kanyang pamumuno, kinikilala si Ka Eduardo bilang huwaran ng paglilingkod sa kapwa at tagapagtaguyod ng pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan—mga halagang pinahahalagahan din ng mga Angateño.









Comments