Pamahalaang Bayan ng Angat, Maglulunsad ng Public Hearing ukol sa Panukalang Paglipat ng Munisipyo
- Angat, Bulacan

- 22 hours ago
- 1 min read

Upang itaguyod ang isang bukas at inklusibong pamamahala, nakatakdang magsagawa ng isang Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) ang Pamahalaalaang Bayan ng Angat sa darating na Enero 22, 2026.
Ang nasabing pagdinig ay magaganap sa ganap na ika-2:00 ng hapon sa Conference Room, 2nd Floor ng New Municipal Hall sa Barangay San Roque. Ang pangunahing adyenda ng pagtitipon ay ang panukalang paglipat ng operasyon at lokasyon ng Munisipyo ng Angat.
Ayon sa panig ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista at ng Sangguniang Bayan, mahalaga ang pagdinig na ito upang direktang marinig ang mga opinyon, mungkahi, at maging ang mga saloobin ng mga mamamayan. Layunin ng LGU na matiyak na ang anumang pinal na desisyon ay dumaan sa tamang proseso at tunay na nakabatay sa kapakanan at interes ng buong komunidad.
Hinihikayat ang lahat ng sektor ng lipunan—mula sa mga lider ng barangay, mga organisasyon, hanggang sa mga ordinaryong mamamayan—na dumalo at makiisa upang mapagtibay ang prinsipyo ng malinaw at makataong pamamahala sa bayan.









Comments