Pamahalaang Bayan ng Angat, Kinilala ang mga Katuwang na Sponsor para sa GulayAngat Festival 2026
Updated: 3 days ago
Kinilala ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang mga lokal na negosyo, organisasyon, at indibidwal na magsisilbing opisyal na sponsors para sa pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026.
Pormal na kinikilala bilang Gold Sponsor ang Angat Eye Clinic para sa mahalagang suportang ibinabahagi nito sa kapistahan ng bayan.
Samantala, kinilala naman bilang Bronze Sponsors ang Angat Development and Credit Cooperative, Hon. Luis "Wowie" J. Santiago, Super Pave Construction & Trading, at Primedash Industrial - Agri Trading. Kasama din ang HYL Hardware bilang isa sa mga Starter Sponsors ng festival.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamahalaang bayan sa lahat ng mga katuwang sa kanilang bukas-palad na suporta at pakikiisa sa pagtataguyod ng kultura, komunidad, at lokal na pagmamalaki ng mga Angatenyo.










Comments