top of page
bg tab.png

Panukalang Sports Complex at mga Proyektong Pampamahalaan, Tinalakay sa MDC Meeting ng Angat

1 day ago
1 min read

Updated: 12 minutes ago


Matagumpay na isinagawa ang 3rd Quarter Municipal Development Council (MDC) Meeting sa pangunguna ni Engr. Arnel Trinidad kasama ang mga kawani ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng Angat, Bulacan.


Dumalo sa mahalagang pagpupulong sina Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, Konsehal William Vergel De Dios, at ang mga Punong Barangay sa bayan sa pangunguna ni Kap. ABC Alex Tigas. Nakiisa rin sa talakayan si George Bautista bilang kinatawan mula sa Ika-6 na Distrito, kasama ang mga kinatawan ng Civil Society Organizations (CSOs) mula sa iba't ibang sektor.



Kabilang sa mga pangunahing hinarap sa pagtitipon ang pagbabalangkas ng Annual Investment Program (AIP) at 20% Development Fund para sa taong 2027, ang Supplemental AIP para sa kasalukuyang taon, gayundin ang ulat sa pagsubaybay sa mga umiiral na proyekto at iba pang usapin sa pagpapaunlad ng bayan.


Tinalakay rin sa nasabing meeting ang pagpapatupad ng Unified Certificate of No Objection para sa mga subdivision, land development, at iba pang imprastraktura, pati na rin ang huling update kaugnay ng Comprehensive Development Plan (CDP) 2025–2031.


Bukod dito, nabigyang-pansin din ang panukalang Sports Complex Project, ang pagpopondo sa mga prayoridad na proyektong isinumite sa DBM Portal, at ang mga mungkahing programa at aktibidad mula sa CSO People’s Council.


Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano ng pamahalaang bayan, mga barangay, at iba't ibang sektor, layunin ng MDC na patuloy na matukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng pamayanan upang maisulong ang mga programang mag-aangat sa kapakanan ng bawat Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page